luckycowshop
Dati, may isa akong buyer na niyayaya ako sumali sa isang network marketing. Open-minded naman ako. Gusto ko naman yung network na yun and plan ko naman talaga sumali. Kaso hindi pa ako ready. Hindi ready? Kailan ako magiging ready? Hindi ako yung tipong tao na magsasabing sasali pero hindi pa ready, para palusot. Well ngayon, member na ako ng network marketing, and hindi ako nagsisisi. Bakit ako magsisisi, marami ako natutunan dun sa network marketing na yun. Nagbago yung pananaw ko sa buhay. Nagbago ang tingin ko sa softdrinks (well medyo). At higit sa lahat, bumilis ang metabolism ko kaya naman mabilis ako pumayat konting pigil (konti lang) sa softdrinks at sa mga unhealthy food. Pero dun sa taong nagsabing okay lang na magexplain sya kahit hindi pa ako sasali, or wala akong balak sumali, sa mga isang katutak na text messages nya sa akin, sa Facebook messages, sa isang katutak na explanation nya, bitter ka! Bakit? Hindi ka kasi nagbayad ng utang sa akin, kapalit ng hindi ko pagsali sa network marketing na inaalok mo. So ganun pala iyon, sapilitan mong ieexplain sa tao, hindi interested ang tao, then gagantihan mo. Wow ang galing mo!
0 Responses

Post a Comment