luckycowshop
Nakakainis... Ni minsan, hindi ko naramdaman na kinampihan ako ng asawa ko. Ako, kahit alam kong mali, iniintindi ko na lang ang asawa ko at bienan ko. Pero sila, hindi nila ako iniintindi.

Sarili kong magulang, kadalasan, hindi ko sinusunod pag alam kong mali. Pero ang asawa ko lalo na bienan ko, oo lang ako. Pero eto nanaman, ako nanaman ang masama.

Ang hinihiling ko lang, kampihan naman ako ng asawa ko. Buti na lang may Ivan ako. Kasi hindi ko na kaya.
0 Responses

Post a Comment